Thursday, August 30, 2007

kung lalaki ako...keri ko magsuot ng...

sa unang tingin hawig n'ya si ryan philippe...ewan ko lang ha. pero this is a casual take of wearing a suit donned with white sneaks and an edgy rusched top.

honestly, di ko alam kung babae ba s'ya o lalaki...either way, keri ko ang ganitong porma kasi very androgynous ang look ng lolo mo.

mas maangas na version ng suot ni Michael Jackson sa Thriller music video nya



pink jacket at fuschia laces...angas mo p're!





parisian street fashion

kung di mo trip ang gold cover-up gaya nito, pwede rin naman na kulay yellow or anything bright just to contrast the dark-colored undershirt and the black boots. The hair is absolutely in-style! so pixie-ish!

simple but with an edgy twist. i love the black skinny jeans! and look at the pumps! uberly cool! the indigo pumps complements the pink ribbon on her shirt. very girly kung tutuusin...pero ginawang rock n' roll because of the jacket, the modish bangs, and the brown leather bag.


Modish! i've always wanted this kind of style...the black tights, oxford boots, the dress, and the hat -- love it. i don't love the plaid cape, though. but this belongs in my book.

Paris, Tokyo, at Stockholm...ilan lang sa maituturing kong fashion mecca sa mundo. Alam ko marami pang iba d'yan. Pero ang tatlong ito lang ang sa tingin ko 'dynamic' at maangas pagdating sa larangan ng fashion.



Ang Paris, bagama't itinuturing na romantikong siyudad, ay nagkukupkop sa mga maaarteng nilalang na di ikinahihiya kung ano sila, ginagawa nila, at maging sa kanilang paniniwala. Walang pakialam ang mga 'Parisians' sa opinyon ng iba basta sila ay magaganda at kilala sa buong mundo na marunong manamit. Kung tutuusin, simple lang ang fashion statement ng mga 'Parisians'...maong, t-shirt, at jacket ay sapat na para sa kanilang pang-araw-araw na pananamit. Ternohan mo pa ng pamatay na stiletto at thigh-high boots, tiyak na panalo ka! Ang maganda sa mga Parisians ay keri nila ang suot nila...kumbaga "there is a certain flare"...baka na rin dala ng kahiligan nila sa mga signature brands kaya kahit simple tignan e mukhang mayaman at fashionista talaga dahil kamahalan naman talaga ang kanilang mga damit.



Ngunit kahit anu pa man, Parisians are a classic example of Europeans who love nice and expensive things. Hindi mo naman sila masisisi kasi ganon na talaga ang kinamulatan nila. Pero 'bow' ako sa fashion sense ng mga lola mo don. Classic, elegant, yet funky.



my honey's back!!!

alam ko walang relate ito sa fashion at sa pagiging thrift junkie ko. pero pagbigyan nyo ko kasi talagang na-miss ko ang taong 'to! my honey bentot is back! galing sya sa retreat. sana may epekto sa kanya...hehehe! hay! my honey is back!!! mwah mwah!

Wednesday, August 29, 2007

welcome to thrift junkie

sa mga taong on a budget, mahilig bumili sa ukay-ukay, at naghihintay ng sale sa mga mall...ito ang blogsite para sa inyo -- THRIFT JUNKIE! (o di ba, baduy ng intro?!?)...aaminin ko, kung tatanungin nyo san ko binili 'yang psychedelic blouse mo o 'anak ng pucha! chanel bag yan ah! san mo na-dekwat 'yan? well mga amigos amigas, isa lang ang sagot...ukay ukay! bawat fashionista dapat malaman kung san bumili ng di kailangan lumagpas ng 1,000 pesos! sa halagang yan may 4 sets of style ka ng mabubuo yan ay kung matalas paningin mo sa kung anong maganda at babagay sa'yo! ZARA?MANGO?TOPSHOP?! leche! mga dayuhang kapitalista na nanggagatas ng pera sa mga naghihikahos na Pilipino! WIZ! 'wag nang pilitin bumili don kung di afford ng budget! punta na lang kayo sa mga segunda mano shops at makikita nyo rin ang mga brands na yan basta ba magtitiyaga ka lang.

sa mga die-hard vintage shoppers, maraming tindahan sa carriedo at bangkal na makakabili kayo ng tunay na vintage. anong MARNI'S ROOM?I-LUV-U STORE?sabihin man nilang totoong vintage ang binebenta nila e di ka naman makatawad. remember mga ineng, sa larangan ng vintage shopping di kailangan all the time mahal sya dahil tumataas ang value. luma na yan ok! amoy baul at faded na ang kulay kaya kung binili mo sya ng mahal e tanga ka! tawaran mo! same thing wid some old furniture, decors, or even accessories. pero kung ayaw talaga ni ate e di sige bilhin mo na kung sa tingin mo may pagbabagayan yan sa kabahayan mo!

ang thrift junkie ay dedicated sa inyo, mga fashionista, na di na kailangan gumastos ng pagkamahal-mahal! remember...with a good sense of style, fashion has no price tag! gawin nyong mantra yan sa araw-araw at magiging winner ka talaga!