Sunday, September 2, 2007

gusto ko maging...

si LILY COLE...this pretty super model is my favorite! she's a walking porcelain doll. wish ko lang maging katulad nya...kaso kulang sa height! ganda talaga ng face ni Lily...di nakakasawa at galing pa manamit.

si DEDA COBEN...fashion stylist extra ordinaire...i like her fashion philosophy compared to Rachel Zoe na tila kaadikan ang pinapairal! Her style is sticking to the basics then add more flare.

Isa sa mga dreams ko ay ang maging stylist! It is like dressing up your Barbie dolls...the difference is buhay na buhay mga dolls ko.hehehe!

Saturday, September 1, 2007

harajuku lovers come get me...

si hello kitty nagkatawang-tao! neng! laki ng ribbon ha!

it's costume party time!!! the flapper girl! goth na goth

rok n rol!!! groupie ang dating! oh...i remember those days na ganito ako manamit. haaay!

di s'ya fashionista pero sinama ko s'ya sa list ko kasi gwapo s'ya! yun lang :)

uhmmm...I think I'm lost...hahaha! pero ang ate mo, bagama't mukhang lost e di naman lost sa best dressed Harajuku lover ko (kahit pa mismatched ang socks).

my best dressed couple! i like nerdy-looking Japanese men! and the girl, simply adorable in this whole ensemble!

taking the anime-thrasher look to the next level...

love the chain, love the hair, love the whole outfit! smokes anyone?! super angas ng girl! I see myself wearing something like that (minus the smokes) one of these days!

si lalaki d aviator...si babae...hmmm...di ko madescribe ang gustong persona ng merlat na 'to. look at kuya's boots! SKY HIGH! platform kung platform! di naman sila galit sa layering 'no?! well kung kalamigan nga naman sa Japan, e why not?!! keri lang manamit ng maraming patong!

I think I saw Rico Blanco wore something like this minus the hot pink and periwinkle colored jacket. This is a fashionable take of the thrasher look.

Rainbow Brite, ikaw ba yan?!?! jusko! haluan ba ng yarn ang buhok?! pero kung keri ni ate, then GO! wa pipigil sa 'yo!

Who said tie-dye is so out of style?! Kung kasing angas mo 'tong lalaking ito e keri lang mag-tie dye shirt! so hippie! at ang girl? care ko sa labandera pony tail ko?! hahaha! at ang floral vest!

Very gypsy-ish! go girl! walisin mo ang kalsada ng Harajuku! Panalo hairstyle at ang layered dress!

A costume party? Halloween? or confused and deranged lang?! Harajuku lovers dress the most bizarre fashion statement in the whole world...and yet, they are unapologetic about it! Harajuku locals take fashion on a next level that is IN YOUR FACE, carefree (sometimes senseless), and absolutely animated! There is always a shock factor every time you see someone dresses like that. But hands down to these daring individuals because despite the inquisitive stares and jeers, Harajuku lovers are loud and proud!

Harajuku is located in the busy city of Tokyo. Aside from its very fast-paced lifestyles, Harajuku is best known for its street fashion. Teenagers flock the streets wearing something that we would usually wear on Halloweens! Some are gothic, fairies, French chamber maids, anime, and the list just goes on and on, wherever your imagination takes you, Harajuku lovers live to life a fantasy. This is their art -- an expression of individuality...non-conformity!

Always loved these daring individuals. I never typecasted them as crazy or a fashion overkill. In fact, I fantasize of walking down the streets of the metro donning an outfit like those of the Harajukus. It is fun, adventurous, and unconventional. If ever I go to Tokyo, which by the way is one of my favorite cities in the world, you'll probably see me at the parks or at cafes in a fairy-chamber maid-goth costume! hahahaha! Crazy isn't it? But I love it -- turning fantasy into a reality!

We can all be like the Harajuku lovers. Try wearing something that expresses your individuality. It may be mismatched or outdated for as long as it shows who you are and that you're comfortable with it! Don't mind the stares, the jeering of close-minded people! This is who you are! Inggit lang sila! Palibahasa mga BADUY kasi!

Sa nobela ni Paolo Coehlo, Veronika Decides to Die, meron do'n isang palaisipan na tumutukoy sa mundo ng mga baliw at kakaiba. Sa mundong ginagalawan ng mga baliw, di sila ang sira-ulo kahit ang mga normal na nakapaligid sa kanila ay ganon ang tingin. Para sa mga baliw, ang taong humuhusga sa kanilang kakaibang pag-uugali ay silang mga baliw dahil sarado ang kanilang pag-iisip at hindi buo ang paniniwala. Sila ang nararapat sa mga mental dahil sila ang dapat pagukulan ng pansin at pagpapahalaga. Hindi rin kasalanan ang mamuhay sa isang mundong malaya at walang inaalala. With this thought, I am crazy. I am different! I am unapologetic! I am a HARAJUKU lover!

Photos from: http://www.japanesestreets.com/.

Thursday, August 30, 2007

kung lalaki ako...keri ko magsuot ng...

sa unang tingin hawig n'ya si ryan philippe...ewan ko lang ha. pero this is a casual take of wearing a suit donned with white sneaks and an edgy rusched top.

honestly, di ko alam kung babae ba s'ya o lalaki...either way, keri ko ang ganitong porma kasi very androgynous ang look ng lolo mo.

mas maangas na version ng suot ni Michael Jackson sa Thriller music video nya



pink jacket at fuschia laces...angas mo p're!





parisian street fashion

kung di mo trip ang gold cover-up gaya nito, pwede rin naman na kulay yellow or anything bright just to contrast the dark-colored undershirt and the black boots. The hair is absolutely in-style! so pixie-ish!

simple but with an edgy twist. i love the black skinny jeans! and look at the pumps! uberly cool! the indigo pumps complements the pink ribbon on her shirt. very girly kung tutuusin...pero ginawang rock n' roll because of the jacket, the modish bangs, and the brown leather bag.


Modish! i've always wanted this kind of style...the black tights, oxford boots, the dress, and the hat -- love it. i don't love the plaid cape, though. but this belongs in my book.

Paris, Tokyo, at Stockholm...ilan lang sa maituturing kong fashion mecca sa mundo. Alam ko marami pang iba d'yan. Pero ang tatlong ito lang ang sa tingin ko 'dynamic' at maangas pagdating sa larangan ng fashion.



Ang Paris, bagama't itinuturing na romantikong siyudad, ay nagkukupkop sa mga maaarteng nilalang na di ikinahihiya kung ano sila, ginagawa nila, at maging sa kanilang paniniwala. Walang pakialam ang mga 'Parisians' sa opinyon ng iba basta sila ay magaganda at kilala sa buong mundo na marunong manamit. Kung tutuusin, simple lang ang fashion statement ng mga 'Parisians'...maong, t-shirt, at jacket ay sapat na para sa kanilang pang-araw-araw na pananamit. Ternohan mo pa ng pamatay na stiletto at thigh-high boots, tiyak na panalo ka! Ang maganda sa mga Parisians ay keri nila ang suot nila...kumbaga "there is a certain flare"...baka na rin dala ng kahiligan nila sa mga signature brands kaya kahit simple tignan e mukhang mayaman at fashionista talaga dahil kamahalan naman talaga ang kanilang mga damit.



Ngunit kahit anu pa man, Parisians are a classic example of Europeans who love nice and expensive things. Hindi mo naman sila masisisi kasi ganon na talaga ang kinamulatan nila. Pero 'bow' ako sa fashion sense ng mga lola mo don. Classic, elegant, yet funky.



my honey's back!!!

alam ko walang relate ito sa fashion at sa pagiging thrift junkie ko. pero pagbigyan nyo ko kasi talagang na-miss ko ang taong 'to! my honey bentot is back! galing sya sa retreat. sana may epekto sa kanya...hehehe! hay! my honey is back!!! mwah mwah!

Wednesday, August 29, 2007

welcome to thrift junkie

sa mga taong on a budget, mahilig bumili sa ukay-ukay, at naghihintay ng sale sa mga mall...ito ang blogsite para sa inyo -- THRIFT JUNKIE! (o di ba, baduy ng intro?!?)...aaminin ko, kung tatanungin nyo san ko binili 'yang psychedelic blouse mo o 'anak ng pucha! chanel bag yan ah! san mo na-dekwat 'yan? well mga amigos amigas, isa lang ang sagot...ukay ukay! bawat fashionista dapat malaman kung san bumili ng di kailangan lumagpas ng 1,000 pesos! sa halagang yan may 4 sets of style ka ng mabubuo yan ay kung matalas paningin mo sa kung anong maganda at babagay sa'yo! ZARA?MANGO?TOPSHOP?! leche! mga dayuhang kapitalista na nanggagatas ng pera sa mga naghihikahos na Pilipino! WIZ! 'wag nang pilitin bumili don kung di afford ng budget! punta na lang kayo sa mga segunda mano shops at makikita nyo rin ang mga brands na yan basta ba magtitiyaga ka lang.

sa mga die-hard vintage shoppers, maraming tindahan sa carriedo at bangkal na makakabili kayo ng tunay na vintage. anong MARNI'S ROOM?I-LUV-U STORE?sabihin man nilang totoong vintage ang binebenta nila e di ka naman makatawad. remember mga ineng, sa larangan ng vintage shopping di kailangan all the time mahal sya dahil tumataas ang value. luma na yan ok! amoy baul at faded na ang kulay kaya kung binili mo sya ng mahal e tanga ka! tawaran mo! same thing wid some old furniture, decors, or even accessories. pero kung ayaw talaga ni ate e di sige bilhin mo na kung sa tingin mo may pagbabagayan yan sa kabahayan mo!

ang thrift junkie ay dedicated sa inyo, mga fashionista, na di na kailangan gumastos ng pagkamahal-mahal! remember...with a good sense of style, fashion has no price tag! gawin nyong mantra yan sa araw-araw at magiging winner ka talaga!